Monday, October 12, 2020

№ 516. Pag-Ibig

"Pag-Ibig" by Apo Hiking Society 

No'ng tangan ng nanay ang munti mong mga kamay 
Ika'y tuwang-tuwa, panatag ang loob 
Sa damdaming ika'y mahal
 
No'ng nakilala mo ang una mong sinta 
Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba 
Sinasamsam ang bawat gunita 
 
Hindi mo malimutan kung kailan nagsimulang 
Matuto kung papa'nong magmahal 
At di mo malimutan kung kailan mo natikman 
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit 
Pag-ibig na tunay hangang langit 
 
No'ng tayo'y nagkakilala nang hindi sinasadya 
Ikaw lang ang napansin, nahuli sa isang tingin 
At sa pagbati mong napakalambing 
 
Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang 
Matutong ikaw lang ang mahalin 
At di ko malimutan kung kailan ko natikman 
Ang tamis ng iyong halik, yakap na nakapahigpit 
Pag-ibig mong tunay hangang langit
 
Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang 
Matutong ikaw lang ang mahalin 
At di ko malimutan kung kailan ko natikman Ang tamis ng iyong halik, yakap na nakapahigpit 
Pag-ibig mong tunay hangang langit 
 

No comments:

Post a Comment